Add parallel Print Page Options

22 Ngayon ito ang payo ko: lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mapapahamak isa man sa inyo kundi ang barko. 23 Sapagkat nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na may-ari sa akin at aking pinaglilingkuran. 24 Sinabi ng anghel sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo. Kailangan mong humarap sa Emperador. Ipinagkaloob ng Diyos sa iyo na iligtas niya ang mga kasama mong naglalakbay.’

Read full chapter